^

Bansa

Aerobic exercise ng DOH pang-Guinness

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Target umanong ma­kagawa ng panibagong record sa Guinness Book of World Records ang aerobic dance ng Department of Health (DOH) bilang largest dance group sa buong mundo.

Si Pangulong Aquino ang gagawing lead dancer ng DOH para sa sabayang aerobic exercise sa Hulyo.

Ayon kay Health Se­cretary Enrique Ona, ga­gawing major program ang JAM Step dahil ito ay nagpo-promote ng healthy lifestyle sa mga kabataan.

Ang nasabing ehersisyo o JAM Step ay ang programang itinataguyod ngayon ni Bacolod Lone District Rep. Anthony Golez.

Sa Hulyo naman sisi­mulan ng nasabing tanggapan ang programa kung saan ang lungsod ng Bacolod ang gagawing main stage at pupunta rin si Presidente Aquino na siyang mamumuno sa gagawing sabayang pagsayaw o ehersisyo.

Ayon pa kay Golez, sinabi umano ni Ona sa kanya na ang paglalagay kay PNoy bilang lead dan­cer ang sumisimbolo ng matinding kampanya ng DOH para sa healthy lifestyle ng mga Pilipino.

Patuloy na tinataguyod sa lungsod ng Bacolod ang JAM Step kung saan ito ay sinusuportahan ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya.

Gaganapin naman sa darating na Pebrero 12 ang sabayang pag-ehersisyo ng libu-libong mga estud­yante sa lumang airport ng lungsod.   

ANTHONY GOLEZ

AYON

BACOLOD

BACOLOD LONE DISTRICT REP

DEPARTMENT OF HEALTH

ENRIQUE ONA

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

HEALTH SE

PRESIDENTE AQUINO

SA HULYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with