^

Bansa

Paglipat sa selda ni CGMA malabo pa

Nina - Doris Franche-Borja, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Posibleng hindi pa mailipat sa regular na selda si dating Pangulo at Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo makaraang ihayag sa Pasay City Regional Trial Court ng mga doktor nito sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) na hindi pa ganap na magaling ang pasyente.

Sinabi ni Dr. Antonio Sison, isa sa doktor ni Arroyo, na unti-unti nang gumagaling ang sakit ng pasyente ngunit may “osteoarthritis” pa umano ito at kailangan pang sumailalim sa tatlong beses na physical therapy kada linggo na maaaring tumagal ng isang buwan. 

Inirekomenda ni Sison kay Judge Jesus Mupas, ng RTC branch 112, na manatili pa ng VMMC ang dating Pa­ngulo para makumplento ang therapy nito.

Dagdag pa nito na hindi na kailangan nga­yon ng 64-anyos na si Arroyo na magsuot ng braces sa leeg habang nasa loob ng pagamutan ngunit kailangang magsuot nito kapag payagan itong makalabas. 

Samantala, maging si dating Pangulong Erap Estrada ay nagpaha­yag ng pagtutol na ilipat sa regular na selda si CGMA.

Hindi naman nagpalabas pa ng desisyon si Judge Mupas sa usapin kung saan pag-aaralan pa nito ang mga detal­ye base sa mosyon na inihain ng prosekusyon buhat sa Commission on Elections na humihiling na mailipat si Arroyo sa regular na kulungan. 

Humingi naman si Mupas ng dagdag na mga detalye ukol sa burol ng nasawing si Rep. Iggy Arroyo upang makapagdesisyon sa mosyon ng dating Pangulo na makalabas ng VMMC at makadalo sa burol ng bayaw.

DAGDAG

DR. ANTONIO SISON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HUMINGI

IGGY ARROYO

JUDGE JESUS MUPAS

JUDGE MUPAS

MEMORIAL MEDICAL CENTER

PANGULO

PANGULONG ERAP ESTRADA

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with