Subpoena sa bank accounts ni Corona hinirit uli

MANILA, Philippines - Naghain ng panibagong request para sa subpoena ang prosecution panel para makuha ang dokumento ng ilan pa umanong bank accounts nina Chief Justice Renato Corona.  Ayon kay prosecution spokesman Miro Quimbo,kabilang sa kanilang nais ipa-subpoena ang mga dokumento mula sa mga accounts sa Bank of the Philippine Island at sa PS Bank.

Hiwalay pa umano ito sa accounts na subject na ng naunang request for subpoena na isinumite ng prosecution.

Idinagdag pa ni Quimbo na sa kanilang mga accounts na pinasu-subpoena ay mayroong dollar accounts.

Tiwala naman ang prosecution na aaprubahan ng impeachment court ang kanilang hiling na  subpoena dahil ang impeachment trial ay exempted sa bank secrecy law.

Paliwanag pa ng mambabatas na wala namang magagawa ang mga bangko kundi ang sumunod sa subpoena dahil kung hindi ay contempt ang magiging parusa ng mga ito.

May ipinasu-subpoena ring resibo ng mga restaurants upang patunayan ang uri ng pamumuhay ng mga Corona na salungat sa judicial code of conduct.

Show comments