PAL officials ipapatawag ng prosec sa impeachment
MANILA, Philippines - Gustong ipatawag ng House prosecution panel ang mga opisyal ng Philippine Airlines upang tumestigo sa alegasyong tumanggap ng pabor ang mag-asawang Corona mula sa naturang kumpanya para sa kanilang biyahe sa loob at labas ng bansa.
Nais ilabas ng prosekusyon na nakatanggap si Corona at kanyang misis na si Cristina ng pribilehiyo sa PAL na mayroong nakabinbing kaso sa Korte Suprema.
Ipinatatawag ng prosekusyon sina Enrique Javier, vice president for sales at Risa Carrion Domingo, vice president for product loyalty and marketing.
Ipinapatawag din sina Atty. Enriqueta Vidal, clerk of court ng SC at Atty. Felipa Anama, deputy clerk ng court en banc, para dalhin ang mga dokumento kaugnay ng kaso ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines at ang sulat ni Atty. Estelito Mendoza na nagpabago sa desisyon ng SC.
Nanalo ang FASAP sa kasong isinampa nito sa PAL subalit binaliktad ng SC ang desisyon nito noong nakaraang taon matapos na sumulat si Mendoza. (Butch Quejada/Gemma Garcia/Malou Escudero)
- Latest
- Trending