^

Bansa

Early registration ng DepEd tuloy pa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bukas pa ang lahat na paaralan sa bansa para bigyan daan na maiparehistro ang mga batang hindi nakapagpa-enrol sa Early Registration noong Sabado, Enero 28.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, upang hindi magkaroon ng aberya sa susunod na pasukan o enrollment 2012-2013 ay hinihikayat nila ang mga magulang na dalhin at ipalista na ang kanilang mga anak.

Anang kalihim, ang tuloy-tuloy na enrollment ay upang madetermina nila ang mga pangangaila­ngan ng mga silid aralan, textbook, guro at iba pang gamit sa eskuwelahan.

“Ang nangyayari kasi, kapag hindi naiparehistro bago magpasukan, doon nagkakaroon ng problema dahil hindi naisasama sa planning natin tulad sa pagbili ng mga textbook at upuan gayundin kung saan ilalagay na silid-aralan,” diin ni Luistro.

Inihayag naman ni Assistant Secretary for Plans and Programs Elena Ruiz, na may ‘consequence’ na ang mga late registrants.

Ang mga hindi naka­pagpatala noong Sabado ay maaaring hindi na masunod ang kanilang kagustuhan o preference na paaralan, halimbawa kung puno na ang paaralan na malapit sa kanila, malamang dalhin sa ibang paaralan, sabi ni Ruiz.

ANANG

ASSISTANT SECRETARY

AYON

BUKAS

EARLY REGISTRATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

ENERO

PLANS AND PROGRAMS ELENA RUIZ

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with