Mendoza dinumog ang kampanya
MANILA, Philippines - Dinumog ang kampanya ng ekonomistang si Alfred ‘Al’ Mendoza na kumakandidato bilang Congressman sa ikalawang distrito ng Zambales sa idaraos na special election sa darating na Sabado (Pebrero 4).
Patok sa ibat-ibang transport group, religious organization, non governmental organization at iba pang samahan ang isinusulong na pagbabago ni Mendoza para iangat ang buhay ng mga naghihikahos na mamamayan sa lalawigan.
Si Mendoza lamang kasi ang nagsasabi na hindi siya kukuha ng kanyang suweldo sa oras na umupo sa Kongreso sa halip ay ilalaan at ibibigay niya ito sa mga mahihirap na residente ng Zambales.
Si Mendoza ay kilalang pilantropo, madaling lapitan at hanapin ay isa lamang sa limang kandidato ang naglalatag ng natatangi at matatag na plataporma de-gobyerno na tiyak na mapapakinabangan ng kanyang mga kalalawigan.
Kabilang sa mga makakalaban ni Mendoza ay sina Omar Ebdane, Cheryl Deloso, Rica Diaz at Jun Pangan.
- Latest
- Trending