Resulta ng imbestigasyon kay Llamas ilalabas ng Malacañang
MANILA, Philippines - Ilalabas ng Malacañang anumang araw mula ngayon ang resulta ng imbestigasyon kay Presidential Political Adviser Ronald Llamas matapos mahuling bumibili ng pirated DVDs sa Quezon City.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may notice na sa kaniya kaugnay sa imbestigasyon ngunit ayaw muna nitong kumpirmahin kung anong petsa nila ilalabas ang resulta.
Una ng iginiit ng Palasyo na nagsisimula pa lamang ang imbestigasyon kay Llamas pero noong una ay sinabi ni Pangulong Aquino na hindi niya prayoridad ito dahil sa dami ng problema ng bansa.
Pero hindi naman alam ni Valte kung sino ang nagsasagawa ng imbestigasyon kay Llamas at hindi man lamang ipinatawag ang newspaper reporter na nakahuli kay Llamas na bumibili ng pirated DVD.
Si Llamas ang pangulo ng Akbayan partylist kung saan kabilang din si dating Rep. Rissa Hontiveros na kasama sa nagreklamo sa Kamara sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona.
- Latest
- Trending