Pagsasara ng 10 embahada kinontra
MANILA, Philippines - Kontra ang isang kongresista mula sa Mindanao sa sinasabing pagsara ng sampung Embahada ng Pilipinas sa ibayong dagat dahil sa kakulangan ng pondo.
Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, ang pagsasara sa mga Embahada at Konsulado ng Pilipinas sa ibayong dagat ay isang malaking dagok sa gobyerno at malalagay sa malaking problema ang mga Overseas Filipino Workers kung sakaling magkaroon sila ng problema sa mga lugar na isinara ang mga Embahada at Konsulado.
“How can there be a budgetary problem in operating these consular offices when all funding requirement are pre-allocated through the annual GAA? We are perhaps the most dispersed race in the entire planet and it’s a crying shame that instead of expanding our diplomatic presence, we are shutting them down,” sabi ni Nograles.
Ayon kay Nograles, maging si Palau President Johnson Toribiong ay hindi sang-ayon sa gagawin ng DFA kaya mananawagan ito kay PNoy na pag-isipan ang gagawin.
“If budget is an issue, the best thing to do is to simply ask Congress if they need additional funding. If it’s justified and it is for the country’s best interest, I’m sure the DFA will have no problem seeking our support,” ayon kay Nograles.
Sumulat si Toribiong noong January 23 kay PNoy, para sabihin na naghihinakit ito sa gagawing pagsasara ng Embahada ng Pilipinas sa Palau.
- Latest
- Trending