Early registration ng DepEd dinumog

MANILA, Philippines - Dinumog ng mga magulang ang isinagawang early registration ng Department of Education (DepEd) kahapon.

Partikular na dinagsa ang San Diego Elementary School sa Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay Assistant Se­cretary Elena Ruiz, marahil ay ayaw ng maulit ng mga magulang ang pagkakaroon nila ng problema noong nakalipas na taon na hindi nakapagpalista ng maaga kaya sinamantala na ang early registration kahapon.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, layunin ng early school registration na matiyak na ang lahat ng bata partikular ang mga out of school youth at may mga kapansanan ay makakapasok lahat sa paaralan ngayong Hunyo.

Anang kalihim, ma­ga­gamit nila ang datos tulad ng dami ng estudyanteng nag-enrol para makagawa ng karampatang hakbang tulad ng paghahanda ng mga kakailanganin gaya ng pag-allocate ng bilang ng estudyante sa silid-aralan, paglilimbag at pagdadala ng textbook at pagtatalaga ng mga guro.

Sakop ng maagang pagpapatala ang mga papasok na Kindergarten, Grade 1 at First Year High School.

Show comments