Bicol niyanig ng 5.5 lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Bicol region kahapon ng umaga.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, ang sentro ng lindol ay naitala sa may 48 kilometro, timog-silangan ng Virac sa Catanduanes at tectonic ang origin nito.
Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 3 sa Virac, Catanduanes; intensity 2 sa Sorsogon at intensity 1 sa Legaspi City.
Sinabi ni Solidum na wala namang naitalang pinsala ang naganap na lindol pero asahan na anya ang mga aftershocks kasunod ng nasabing pagyanig.
- Latest
- Trending