^

Bansa

P193-M pondo laan ng PCSO sa 86 gov't hospitals

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Naglaan ng P193 milyong endowment funds ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa 86 government hospital sa bansa.

Ayon kay PCSO chairperson Margarita Juico, ina­prubahan ng PCSO board ang pagbibigay ng P193,100,000 na endowment fund para sa 86 government hospitals na inirekomenda ng Fund and Allocation Department. Ang FAD-PCSO, sa pamumuno ni Dr. Larry Cedro, ang tumukoy at nagrekomenda sa PCSO board ng napi­ling mga government hospitals.

Wika pa ni Chairperson Juico, ito ay nasa campaign promise ni Pangulong Aquino para sa universal health care sa lahat ng Filipino.

Sinabi naman ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas, sakaling kailanganin pa ng mga ospital na ito ang karagdagang pondo ay puwede nilang ipaabot ito sa PCSO lalo na kung maraming pasyente pa ang dapat gamutin.

AYON

CHAIRPERSON JUICO

DR. LARRY CEDRO

FUND AND ALLOCATION DEPARTMENT

JOSE FERDINAND ROJAS

MARGARITA JUICO

NAGLAAN

PANGULONG AQUINO

PCSO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with