MANILA, Philippines - Dapat umanong imbestigahan ng Ombudsman si Supreme Court spokesperson at administrator Atty. Midas Marquez dahil sa umano’y kaso ng korapsiyon at pag-abuso sa tungkulin.
Ayon kay Akbayan Rep. Walden Bello, umasta si Marquez bilang “unofficial defense counsel” ni Chief Justice Renato Corona. Makaraan anyang ma-impeach si Corona noong nakaraang taon, naging spokesman na nito si Marquez.
Aniya, nag-“crossed the line” na si Marquez samantalang dapat ay kinatawan lamang ito ng SC.
Gayundin, sangkot umano si Marquez sa umano’y iregularidad sa implementasyon at pamamahala sa Judicial Reform Support Project ng Korte Suprema.
Una nang pinagtanggol ni Marquez si Corona nang sabihing walang discrepancies sa may $200,000 halaga ng utang ng SC para sustinihan ang mga proyekto ng Korte Suprema.