P4.6M blood money sa bibitaying OFW

MANILA, Philippines - Maglalaan na ang De­partment of Foreign Affairs (DFA) ng hala­gang Saudi Riyal 400,000 o P4.6 milyon para sa “blood money” ng Pinoy na si Dondon Lanuza na nakatakdang bitayin sa Saudi Arabia.

Sa panayam kay La­nuza, kinumpirma umano ni Labor­ attache Jerome Friaz na dumalaw mismo sa kanya sa Dammam Jail dala ang isang sulat mula sa Em­bahada ng Pilipinas sa Riyadh ang isang magandang balita na handa nang magbigay ang DFA ng blood money.

Ayon kay Lanuza, sa kabuuan ay nakakalap na ang kanyang pamilya ng halagang 1.5 milyon Saudi riyal o kalahati ng kailangang SAR 3 milyon. 

Nanawagan si La­nuza sa mga may ma­gandang kalooban na tulungan siya na makakalap pa ng SAR1.5-M na kakulangan sa blood money upang makamit na niya ang inaasam na kalayaan.

Si Lanuza ay nasentensyahan ng bitay sa pa­mamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo noong Hunyo 2002 matapos ma­­patay ang isang Saudi national dahil sa pagta­tanggol sa sarili.

Show comments