P4.6M blood money sa bibitaying OFW
MANILA, Philippines - Maglalaan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng halagang Saudi Riyal 400,000 o P4.6 milyon para sa “blood money” ng Pinoy na si Dondon Lanuza na nakatakdang bitayin sa Saudi Arabia.
Sa panayam kay Lanuza, kinumpirma umano ni Labor attache Jerome Friaz na dumalaw mismo sa kanya sa Dammam Jail dala ang isang sulat mula sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang isang magandang balita na handa nang magbigay ang DFA ng blood money.
Ayon kay Lanuza, sa kabuuan ay nakakalap na ang kanyang pamilya ng halagang 1.5 milyon Saudi riyal o kalahati ng kailangang SAR 3 milyon.
Nanawagan si Lanuza sa mga may magandang kalooban na tulungan siya na makakalap pa ng SAR1.5-M na kakulangan sa blood money upang makamit na niya ang inaasam na kalayaan.
Si Lanuza ay nasentensyahan ng bitay sa pamamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo noong Hunyo 2002 matapos mapatay ang isang Saudi national dahil sa pagtatanggol sa sarili.
- Latest
- Trending