CANDABA, Pampanga, Philippines — Inihayag ni Mayor Jerry Pelayo na handang-handa na ang local government at mga residente para sa pagdiriwang ng kanilang Ibon-Ebon festival mula Feb. 3-4.
Sinabi ni Mayor Pelayo, ang aktibidad para sa taong ito ng Ibon-Ebon festival ay inaasahang dadayuhin ng foreign at local tourists.
Kabilang sa mga aktibidad sa taong ito, wika pa ni Pelayo ay, Feb. 1 – Harvest fest, (Barangay Salapungan) at Grand dress rehearsal ng main street dancers (Poblacion); Feb. 2 – Trade fair and tiangge, (Poblacion) at Jamming with “Ibon” dancers (Genuino Park).
Bukod dito, paliwanag pa ni Mayor Pelayo, ang grand street dancing parade, mula Poblacion patungo sa Ms. Earth Park sa Barangay Mandasig; bird watching, (Dona Simang Wildlife Reserve); river cruise, (Pampanga River); kite flying, (Barangay Mandasig) at concert ng Sandwich Band; (East Park in Barangay Bahay Pare) sa Feb. 3.
Idinagdag pa ng alkalde, ang highlights ng pagdiriwang ay ang street dancing sa Barangay Pulongplazan patungong Bahay Pare; “itik” cooking contest, itik race, best itik dressed contest at free concert by SpongeCola (Ms. Earth Park in Barangay Mandasig). Magkakaroon din ng dragon boat race sa Feb. 5
Inimbitahan din ni Mayor Pelayo si Tourism Sec. Ramon Jimenez upang maging panauhin sa taunang Ibon-Ebon festival sa Feb. 3 na ang layunin ay lalong palakasin ang turismo sa Pilipinas.
Ang unang Ibon-Ebon festival ay naganap noong 1 and 2 in 1998 at kinilala bilang isa sa national festival ng bansa, wika pa ni Mayor Pelayo.