^

Bansa

'Bahala na ang PCGG' - Palasyo

- Aurea Calica -

MANILA, Philippines - Ipinauubaya ng Malacañang sa Presidential Commission on Good Government at sa Office of Solicitor General ang hakbang na dapat gawin kaugnay ng pagdismis ng Sandiganbayan sa P50 bilyong ill-gotten wealth laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines na si Fabian Ver at iba pang katao.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na namana lang ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang kaso.

 “Minana natin ito, nakita natin, tumagal yan nang 24 na taon. Hindi ko alam kung ilang abogado ang humawak niyan at anong ebidensya ang hi­nawakan nila,” dagdag ni Valte.

Kabilang sa akusado sa naturang kaso si dating Trade Minister Roberto Ongpin at iba pang sangkot sa tinatawag na Binondo Central Bank.

Sinabi ng Sandiganbayan na nabigo ang mga abogado ng pamahalaan na patunayang nagsabwatan ang mga akusado sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Sa naturang kaso, inakusahan ang mga akusado ng pagmamanipula sa kalakalan ng dolyar mula taong 1984 hanggang 1986 sa tinatawag na Binondo Central Bank, isang underground o lihim na kalakalan ng dolyar sa panahon ng currency crisis noong dekada 80.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BINONDO CENTRAL BANK

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

FABIAN VER

GOOD GOVERNMENT

OFFICE OF SOLICITOR GENERAL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PRESIDENTIAL COMMISSION

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with