Ill-gotten wealth vs Marcoses, pamilya Ver ibinasura
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong P50 bilyong ill-gotten wealth laban sa pamilya Marcos at Ver.
Sa 69-pahinang desisyon ni Associate Justice Samuel Martires ng Sandiganbayan Special Second Division, dinismis ang kasong reconveyance, revension, restitution at damages suit laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at kanyang kanang kamay na si dating Gen. Fabian Ver.
Pinawalang sala rin ng Sandiganbayan sina dating Trade Minister Roberto Ongpin at mga miyembro ng tinaguriang Binondo Central Bank, gayundin sina Mrs. Imelda Marcos, Irwin Ver, Rexor Ver, Wyrlo Ver, Helma Ver Tuason, Faida Ver Resurreccion.
Sinasabing bigo umano ang prosekusyon na maiprisinta ang mga ebidensya laban sa mga akusado na winaldas at ninakaw ng mga ito ang naturang pondo ng gobyerno.
- Latest
- Trending