MANILA, Philippines - Umaapela si Solidarity Philippines convenor Fr. Joe Dizon sa mga Senator-judges na iwasang makipagpulong kay Pangulong Aquino para maalis ang pagdududa ng taongbayan.
Bagama’t naniniwala si Fr. Dizon na prerogative ng mga Senador na makipag-usap sa Pangulo ay mas mabuting dumistansiya muna ang mga ito dahil sila ang hahatol kung dapat na i-impeach o i-absuwelto si CJ Corona sa walong articles of impeachment na kinakaharap nito.
Bago pa man dumalo sa impeachment trial kamakalawa ay nakipagpulong muna sa Malakanyang sina Senador Edgardo Angara, Franklin Drilon at Alan Peter Cayetano.
Pinayuhan naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ang Malacañang na mas dapat na tutukan ng pamahalaan ang mga biktima ng Sendong, problema sa environment, kalikasan, kahirapan, pagpapatupad ng reporma sa lupa at pamimigay ng lupa sa mga farmer beneficiaries.