Construction firm kinasuhan ng BIR
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tax fraud ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang DQT Builders Corporation, isang construction company gayundin kinasuhan ng criminal ang mga opisyal nito na sina Chairman/President Engr. Domingo Tan and Chief Financial Officer Rosalina Tan dahil sa di pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Ang DQT na nasa Merchan St. Lucena City Quezon bukod sa negosyong construction ay engaged din ito sa enlarging, repairing, developing buildings, house & condominium, roads, plants, bridges, airfields, pier, waterworks, railroads at iba pang structures.
Ayon sa BIR, na overstayed na ang expenses ng kumpanya para sa ITR noong 2007 at nagsaad ng fictitious purchases na may halagang P70.27 milyon dahil walang maipakitang sales invoices para dito.
Nagawa umano ng mga Tan na maibaba ang kanilang income tax at VAT liabilities. Mayroong P76.52 milyong tax deficiency kasama na ang surcharges at interest para sa taxable year 2007.
Samantala, kinasuhan din ng criminal ng BIR ang isang Joaquin Moreno, may-ari ng Juan Carlo Salon.
- Latest
- Trending