^

Bansa

Kinumpirma ng testigo, P67M ari-arian kay Corona

- Nina Malou Escudero at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng tatlong testigo ng prosecution ang mga ari-arian ni Chief Justice Renato Corona sa Taguig City, Quezon City at Marikina City na nagkakahalaga ng P67.26 mil­yon sa ginanap na ikaapat na araw ng impeachment trial sa Senado.

Naunang tumestigo si Randy Rutaquio, register of deeds ng Taguig City, at kinumpirma na pag-aari ni impeached Chief Justice Corona at asawa nitong si Cristina ang 303.5 square-meter na condominium unit sa Taguig City na nabili umano sa halagang P14.5M.

Dinala ni Rutaquio sa Senate Impeachment Court ang deed of absolute sale ng nasabing condominium sa Belaggio Towers, na ayon sa prosecution ay nabili ng mga Corona noong 2009.

“For the record also, I would like to manifest that the selling price as indicated in this deed of absolute sale is P14,510,225,” pahayag ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ng pro­secution team.

Ang Megaworld Corp. ang tumatayong seller o nagbenta ng nasabing condominium unit sa mga Corona.

Bukod sa nasabing condominium unit, mayroon din umanong tatlong parking lots ang mga Corona sa nasabing Belaggio residences.

 Pero inamin naman ni Barzaga na ang mga nasabing properties ni Corona ay nakadeklara sa statement of assets liabilities and net worth (SALN) ng chief justice.

Pangalawang huma­rap sa impeachment court bilang testigo ang register of deeds ng Quezon City na si Atty. Carlo Alcantara.

Isa-isang kinumpirma din ni Alcantara ang mga ari-arian ng mag-asa­wang Corona sa Quezon City at Marikina.

Ikatlong humarap naman bilang testigo ng pro­secution ang register of deeds ng Marikina City.

Sinabi ng prosecution panel, bukod sa P14 mil­yong condo unit sa Bellagio ay may pag-aari din ang pamilya Corona sa Bonifacio Ridge sa Ta­guig na nagkakahalaga ng P9.16 milyon, habang P18-M naman na La Vista property sa QC at P15-M sa Burgundy-Kalayaan at P10-5 milyon sa Cubao.

Anila lumilitaw sa Statement of Assets, Lia­ bilities and Net worth (SALN) ni Corona ay P22.938 milyon pero ang natuklasang kabuuang halaga ng ari-arian ni Corona na pinatotohanan ng 3 testigo sa ikaapat na araw ng impeachment trial ay umaabot ng P67.26 milyon.

Samantala, ibinunyag ng House Prosecution team ang malaking pinagkaiba ng nakasaad sa SALN at sa deeds of sale ng mga ari-arian na nabili ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ang Bellagio condominium ay nabili umano ng mag-asawang Corona noong December 16, 2009 kaya’t dapat na umano itong nakasaad sa 2010 SALN ng punong mahistrado.

Dagdag pa dito ang lote sa Mckinley hill na nakapangalan sa anak nitong si Charina Corona Castillo na binenta ng Punong Mahistrado sa kanyang anak sa halagang P6.1 milyon samantalang ang market value nito ay P6.8 milyon.

Nagtataka din umano ang prosecution panel kung bakit walang pirma dito ang anak kundi ang mag-asawang Corona lamang.

Giit ng prosekusyon, malinaw na may kabawasan sa nakadeklara sa SALN at kung mapatunayan ang discrepancy dito ay makasasapat na ang art.2 para mapatalsik ang punong mahistrado.

ANG BELLAGIO

ANG MEGAWORLD CORP

BELAGGIO TOWERS

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CITY

CORONA

MARIKINA CITY

QUEZON CITY

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with