Responsableng pagmimina 'win-win' solution sa Tampakan

MANILA, Philippines - ?Nagbabala sa lahat si dating Ateneo de Davao University president Fr. Emeterio Barcelon, SJ na huwag gamitin ang debate sa Tampakan mining para sa pagkakawatak-watak.

“Hindi ito debate na panalo ang isa at talo ang isa, dapat itong ibase sa realidad. Posible ang panalu-panalong solusyon kung ibabatay natin sa tunay na nangyayari,” wika pa ni Fr. Barcelon na todo-suporta sa responsableng pagmimina.

Aniya, mas ligtas ang open-pit mining kaysa underground mining dahil ang lahat ng operasyon sa pagmimina ay nasa ibabaw ng lupa at isang realidad iyan, hindi retorika.

Nilinaw din nito na mas madali ang rehabilitasyon sa open-pit mining operations tulad ng ginagawa sa ibang bansa at idinagdag na sa underground mining activities ay napakaraming problema sa kaligtasan at kapaligiran at napakahirap ng rehabilitasyon.

“Napakalaki talaga ng proyektong ito at tiyak na makatutulong sa ekonomiya ng South Cotabato. Ang totoo, dapat na matagal na nating napaunlad ang Tampakan project,” giit pa ng pari.

Hinimok niya ang dalawang panig sa debate sa Tampakan na pag-aralan kung paano umiiral ang responsableng pagmimina sa buong mundo.

Show comments