^

Bansa

3 Pinay na nasawi sa Lebanon kinilala na

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Kinilala na ang tatlong Pinay na namatay matapos na matabunan ng gumuhong gusali sa Beirut, Lebanon noong Lunes.

Kinilala ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez ang tatlong Pinay na nasawi na sina Mary Ann Davatos, Luz Bombales at Jovelyn Concon, 32, isang pastora sa Beirut at tubong Brgy Sibulan, Esperanza, Agusan del Sur habang ang isang sugatan ay hindi muna inihayag ang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Hernandez, na naipaalam na ng DFA sa pamilya ng tatlong biktima ang sinapit ng mga ito sa Lebanon at inihahanda na ng Embahada ang pagpapauwi ng mga labi sa Pilipinas.

Sa rekord ng Overseas Workers Welfare Administration, sinabi ni information officer Rey Tayag na aktibong miyembro ng OWWA o documented si Concon habang ang dalawang nabanggit ay pawang hindi dokumentado.

vuukle comment

BRGY SIBULAN

FOREIGN AFFAIRS

JOVELYN CONCON

KINILALA

LUZ BOMBALES

MARY ANN DAVATOS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINAY

RAUL HERNANDEZ

REY TAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with