^

Bansa

Trabaho sa Kamara napabayaan na

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Naabala at napapabayaan na rin umano ng ilang mambabatas ang kanilang trabaho sa Kamara dahil sa sobrang pagtutok sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ni House Majority leader Neptali Gonzales na kinakapos na ng oras ang Justice Committee na pinamumunuan ni Iloilo Rep.Neil Tupas Jr. na aksyunan ang del Castillo impeachment case dahil abala ang mga miyembro ng komite sa impeachment ni Corona.

Ayon kay Gonzales, walong araw na lang ang natitira sa 60 session days na taning sa komite upang i-dispose ang complaint sa Mahistrado.

Ang reklamo kay del Castillo ay nabitin sa determinasyon ng sufficiency of grounds matapos itong ideklara ng Justice committee na sufficient in form and substance.

Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y pango­ngopya ng Mahistrado ng desisyon sa kaso ng comfort women.

Bukod dito nakasalang na rin sa plenaryo ang anti-trust bill at ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Giit ng mambabatas, mahirap pa sa ngayon masabi kung magkakaroon ng botohan sa nasabing mga kaso dahil gustuhin man nila o hindi ang impeachment proceeding ay distraction sa kanila dagdag pa dito ang nangyayaring kaguluhan sa liderato ng minorya ng Kamara.

vuukle comment

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

HOUSE MAJORITY

ILOILO REP

JUSTICE COMMITTEE

KAMARA

MAHISTRADO

NEIL TUPAS JR.

NEPTALI GONZALES

REPRODUCTIVE HEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with