Prosec team nagdagdag ng bagong abogado

MANILA, Philippines - Nagdagdag ng pribadong abugado ang House pro­secution panel upang matulungan sila sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa dalawang pahinang entry of appearance, sinabi ni House justice committee chairman Niel Tupas, ang lead prosecutor, na idadagdag sa mga private prosecutors na tumutulong sa kanila si Jose Antonio Hernandez.

Ayon sa Senate Rules of Procedure on Impeachment Trials, ang mga pribadong lawyer ay dapat na kontrolado ng House prosecutors.

Pinangungunahan ni Atty. Mario Bautista ang mga private prosecutors. Siya ang abugado ni Clarissa Ocampo, ang saksi na nagsabi na si dating Pangulong Joseph Estrada ang may-ari ng Jose Velarde account, sa naunang impeachment.

Nauna ng sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara na 59 na pribadong abugado ang tumutulong sa kanila sa kaso.

Show comments