^

Bansa

Tax case ni Mikey at misis pinagpaliban ng QC court

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court kahapon ang apela ni Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at asawang si Angela na maipagpaliban ang arraignment sa kanilang kasong tax evasion na naisampa laban sa kanila ng Department of Justice.

Bunsod nito, naitakda na lamang ni QC RTC Branch 100 Judge Marie Christine Jacob na maituloy ang arraignment sa kanilang kaso sa Marso 7, 2012.

Ang mag-asawa kasama ang kanilang abogadong si Atty. Ruy Rondain ay nagtungo kahapon ng umaga sa naturang korte at nagharap ng mosyon para sa postponement ng kanilang arraignment. Anila, nagsampa din sila ng petisyon sa DOJ para ma-review ang kanilang kasong tax evasion noong Disyembre 16, 2011.

Ang postponement sa arraignment sa kaso ng mag-asawa ay ikalawang beses na. Una ay naipagpaliban ang arraignment sa kaso ng mag-asawa dahil nagtungo sa Estados Unidos si Mikey para sa isang official business.

Si Mikey ay nakasuhan ng tax evasion dahil sa kabiguang mag-file ng kanilang income tax returns (ITRs) noong 2005, 2008 at 2009 samantalang si Angela ay hindi nag-file ng kanyang ITR noong 2003 hanggang 2009.

ANG GALING PINOY PARTYLIST REP

ANGELA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

JUAN MIGUEL

JUDGE MARIE CHRISTINE JACOB

MIKEY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RUY RONDAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with