^

Bansa

Plunder vs GMA, Uriarte

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder at technical malversation laban kina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Rosario Uriarte.

Ang rekomendasyon ay nakapaloob sa 124-pahinang report ng komite kaugnay sa diumano’y maanomalyang paggamit ng P325 milyon intelligence funds ng ahensiya mula 2008 hanggang mga unang buwan ng 2010 bago isagawa ang presidential election.

Ayon sa komite, ilang beses na nagpapirma si Uriarte kay Arroyo para sa pagpapalabas ng special fund para makapagsagawa ng intelligence operations na may kinalaman sa kidnapping, destabilisasyon, terorismo at bomb threat bagaman hindi naman ito trabaho ng ahensiya.

Ipinunto pa ng komite na ilang beses na lumabas ang lagda ng Pangulo sa mga disbursement request letters ni Uriarte na nagpapatunay na inaprubahan nila ang pagpapalabas ng pondo na mula P25 milyon-P150 milyon noong mga unang buwan ng 2010.

Hindi naman nakapag-prisinta ng mga resibo si Uriarte na magpapatunay kung saan napunta ang milyon-milyong intelligence fund ng PCSO.

AYON

INIREKOMENDA

IPINUNTO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

ROSARIO URIARTE

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

URIARTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with