^

Bansa

Impeachment gastos lang

-

MANILA, Philippines - Gastos lamang ang impeachment proceeding laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ito ang pangamba nina Digos Bishop Guillermo Afable at Archbishop Oscar Cruz kung saan malaki umano ang magiging epekto nito dahil kukunin ito sa kaban ng bayan.

Ayon sa mga ito, talo ang taumbayan kapag tumagal at maging teleserye ang impeachment trial dahil buwis ng  mamamayan ang gagamitin sa mga gastusin.

Ikinadismaya ni Bishop Afable ang labis-labis na pagbibigay ng halaga ng pamahalaan sa kaso ni CJ Corona kaysa sa pangangailangan ng sambayanan partikular na ang mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Aniya, hindi pantay ang atensiyon na ibinibigay ng pamahalaang Aquino gayundin ang mga mambabatas sa impeachment kaya hindi natututukan ang pagbibigay serbisyo sa kanilang mga constituents.

Binigyan diin naman ni Archbishop Cruz na lahat ng kabilang sa impeachment court, mga mambabatas, prosecutors, pribadong prosecutors, Senator-judges, mga staff, maging ang Chief Justice at mga testigo ay suwelduhan ng mamamayan.

Ayon kay Cruz, ang impeachment kay Corona ay pagsasayang lamang ng oras at pera ng taongbayan.

Nauna nang naglabas ang Kamara ng P5 milyon para sa House Prosecution Team na gagamitin sa pagha­handa, preparasyon, pagkalap ng ebidensya at dokumento at iba pa kaugnay sa impeachment trial laban kay Corona. (Doris Franche/Gemma Garcia)

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

AYON

BISHOP AFABLE

CHIEF JUSTICE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CRUZ

DIGOS BISHOP GUILLERMO AFABLE

DORIS FRANCHE

GEMMA GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with