Ligot couple naghain ng not guilty plea
MANILA, Philippines - Naghain ng “not guilty” plea sina dating AFP comptroller Jacinto Ligot at asawang si Mrs. Erlinda Ligot kaugnay ng P153 Milyong tax evasion case na kinakaharap ng mga ito sa Third Division ng Court of Tax Appeals.
Si Ligot ang tinuturing na second high-ranking military official na sinampahan ng tax evasion ng gobyerno dahil sa sinasabing paglustay nito sa pondo ng AFP.
Sinasabing ang preliminary conference para sa kasong ito ay itinakda sa Pebrero 1, 2012 habang ang pre trial ay sa Pebrero 8 ng taong ito.
Samantala, sinabi ni Atty. Emiliano Bantog, abogado ng mag- asawang Ligot, hiniling nila sa korte na payagan ang Sandiganbayan na matapos muna dito ang kaso nina Ligot bago maipagpatuloy ang isa pang tax evasion case.
Ang mag-asawang Ligot ay may iba’t ibang kaso ng tax evasion na kinasasangkutan noong taong 2001 hanggang 2004 na may halagang P400 milyon.
Ang mag-asawa ay pansamantalang nakakalaya matapos maglagak ng piyansa noong nakaraang taon.
- Latest
- Trending