P14.1B danyos hingi ng John Hay sa BCDA
MANILA, Philippines - Humihingi ng P14.1 bilyon na danyos ang Camp John Hay Development Corp. (CJH Devco) sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) dahil sa pagkabigo ng huli na tuparin ang nakasaad sa Restructuring Memorandum of Agreement lalona sa pagkakaroon ng One Stop Action Center.
Inihain ng CJH ang reklamo sa pamamagitan ng pangulo nitong si Atty. Ferdinand Santos dahil sa hindi pagsunod ng BCDA sa kanilang kasunduan na nakasaad sa RMOA.
Sinasabi sa pahayag ng CJH na ang RMOA ay patungkol sa kasunduan ng BCDA at CJH noong Hulyo 1, 2008 na, rito, pumapayag ang BCDA sa ilang konsesyon kabilang ang assumption sa prior rental obligation na mahigit P2.69 bilyon at current rental na P150 million.
- Latest
- Trending