^

Bansa

300 Pinoy nasagip sa tumagilid na barko sa Italy!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - May 300 Pinoy mula sa mahigit 4,000 katao ang kabilang sa mga nailigtas nang sumadsad at tumagilid ang sinasakyang cruise ship sa baybayin ng Grosseto sa Tuscany, Italy sanhi ng pagkasawi ng tatlo katao at marami pa ang nawawala noong Biyernes ng gabi (Enero 13).

Sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Ambassador Virgilio A. Reyes, Jr. ng Embahada ng Pilipinas sa Rome, isang Pinoy ang sugatan dahil sa nagbagsakang deck habang dalawa pang Pinoy crew ang isinugod sa ospital sa Grosseto dahil sa sobrang panginginig bunsod ng matinding pagkababad sa malamig na dagat. 

Sa inisyal na report, aksidenteng natamaan ng cruise ship Costa Concordia ang mabatong bahagi ng dagat. Nabutas ang gilid ng barko at tumagilid. Sa matinding impact ay nagkarambola ang mga pasahero at mga kagamitan sa loob ng barko. 

Habang sinusulat ang ulat na ito, may 40 pang katao ang sinasabing nawawala sa insidente.

AMBASSADOR VIRGILIO A

BIYERNES

COSTA CONCORDIA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

ENERO

GROSSETO

HABANG

NABUTAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with