^

Bansa

13 pang kaalyado ni GMA humabol sa impeachment

-

MANILA, Philippines - Bago pa man ang pagsisimula ng Impeachment Trial laban kay Chief Justice Renato Corona ngayong araw 13 pang kongresista ang humabol at nagbigay suporta sa pagpapatalsik sa punong mahistrado.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng House Prosecution Team, karamihan sa mga nagpa-abot ng suporta sa impeachment complaint laban kay Corona ay mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa oposisyon.

Sa 3-pahinang mosyon, nais ng 13 mambabatas na isama ang kanilang pangalan bilang mga complainant sa impeachment case. Kabilang sa mga mambabatas sina Erico Fabian (Zamboanga City); Christopher Co (Ako Bicol partylist); Dan Fernandez (Laguna); Alfredo Maranon (Negros Occidental); Eric Singson (Ilocos Sur); Florencio Flores (Bukidnon); Maximo Rodriguez Jr (Abanate Minadanao partylist); Jane Castro (Capiz); Al Francis Bichara (Albay); Mark Aeron Sambar (PBA partylist); Rodolfo Antonino (Nueva Ecija); Emil Ong (Northern Samar); at Antonio Kho (Masbate). 

Bagama’t naninindigan si Corona na lalaban siya at hindi magbibitiw sa tungkulin, may ilang kongresista pa rin ang nag-aabang sa posibilidad na pagbibitiw nito sa kanyang tungkulin para matapos na kaagad ang impeachment proceedings.?Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni House Speaker Erin Tanada, dalawa ang objective ng impeachment trial, ito ay para matanggal siya sa posisyon at magkaroon ng perpetual disqualification sa posisyon ng gobyerno.

Gayunman, sinabi ni Tanada na ang Senado na ang magpapasiya kung gusto nilang ituloy ang proceedings kahit walang partisipasyon si Corona.

Nanawagan rin si Tanada na tumatayo rin bilang Spokesperson ng Prosekusyon, sa samba­yanang Pilipino na panoorin ang impeachment trial dahil isa umano itong malaking kasaysayan sa bansa.?

Nanawagan naman si Batangas Rep. Hermilando Mandanas, isa sa mga mambabatas na hindi pumirma sa impeachment na huwag mag-resign si Corona para malinawan ng publiko ang katotohanan.

Isiniwalat rin ni Mandanas ang kanyang sama ng loob sa ginawang pagsibak sa kanya bilang Chairman ng House committee on ways and means, isang araw matapos ang hindi niya pagpirma.

Sana man lamang umano ay isinaalang-alang ang matagal na nilang pinagsamahan bago nag­desisyon na alisin sa kanyang chairmanship ang komite. (Gemma Garcia/Butch Quejada/Doris Franche)

ABANATE MINADANAO

AKO BICOL

AL FRANCIS BICHARA

ALFREDO MARANON

ANTONIO KHO

BATANGAS REP

BUTCH QUEJADA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CHRISTOPHER CO

DAN FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with