Kariton Klasrum ginawa na ring 'Klinika' at 'Kantina' ng DepEd
MANILA, Philippines - Ginawa na ring ‘Klinika’ at ‘Kantina’ ng Department of Education (DepEd) ang kanilang ‘Kariton Klasrum’ upang makapag-deliber ng ‘out of the box’ na educational services sa mga kabataang hindi makapasok sa paaralan.
Nabatid na inilunsad ng DepEd at ng Dynamic Teen Company (DTC) na pinamumunuan ng 2009 CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida ang ‘K4 Outreach program’ na gumagamit ng Kariton Klasrum, na ginawa na ring Klinika at Kantina at siya mismong maghahanap ng mga estudyante sa mga lansangan.
Ang naturang Kariton Klasrum ay may lulang mga educational materials, simpleng medical care kit at pagkain na ipapamahagi sa mga kabataang nais na matuto kahit hindi makapasok sa paaralan.
Target ng programa ang mga batang nagkaka-edad ng 5-15 taong gulang, na hindi pa nakapag-aral o di kaya’y nag-dropped out ngunit nais pa ring matuto, na tinatayang aabot sa 4,000.
- Latest
- Trending