^

Bansa

PNoy binira ni Gloria sa libro

- Ni Gemma Garc -

MANILA, Philippines - Binanatan at sinermunan ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo si Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang ginawang libro na inilunsad kahapon sa Manila Hotel.

Nakasaad sa librong “Its the Eco­nomy, Student!” na iprinisinta ni Dr. Gonzalo Jurado, dating professor ni Arroyo sa Uni­versity of the Philippines, na bumababa na ang momentum na minana ng Pangulo kay Arroyo at sa kabila umano ng sanda­ling honeymoon period nito ay hindi pa rin nito napalitan ang legacy ng dating pangulo ng kanyang mga bagong idea at sariling galaw.

Noong ipasa umano ni Arroyo ang pamahahala ay tinamasa nito ang 7.9 porsiyentong growth rate sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya ng ibang bansa.

Ngunit sa poder umano ni Aquino ay nasa 3.2 percent na lamang ito.

Mayroon din uma­nong 9 sa bawat 10 Fili­pino ang may access sa health insurance, 9 mil­yong trabaho ang naitatag at mahigit sa 100,000 classrooms ang naipatayo bago bumaba si Arroyo sa kanyang puwesto.

Isinisisi din ni CGMA kay Aquino ang kabiguan nito na mapataas ang ekonomiya ng bansa dahil sa “weak work ethic” nito kayat hinikayat na maging “hands on” leader at huwag unahin ang kan­yang ego para sa kapa­kanan at interes ng bansa.

Wala rin umanong lugar ang pagliban ni Aquino o ang pagda­ting ng huli at pag-uwi ng maaga at hindi rin umano sapat ang Cabinet meeting apat na beses sa buong taon dahil hindi ito makakapanghikayat ng mga kapitalista sa bansa.

Dapat na rin umanong tigilan ni Aquino ang pag­hikayat ng tsismis tungkol sa kanyang love life dahil maaring wala naman umanong interesado rito.

AQUINO

BINANATAN

DAPAT

DR. GONZALO JURADO

GLORIA ARROYO

ITS THE ECO

MANILA HOTEL

PAMPANGA REP

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with