PNoy malabong makadalo sa kasal ni Shalani

MANILA, Philippines - Hindi sigurado si Pangulong Aquino kung makakadalo siya sa kasal ng kanyang ex-girlfriend na si Valenzuela City Coun. Shalani Soledad kay Pasig City Rep. Roman Romulo sa Enero 22.

Sinabi mismo ng Pa­ngulo sa ambush interview, hindi pa niya alam ang kanyang schedule sa araw ng kasal ni Shalani at hindi rin niya alam kung makakadalo siya dito.

Naunang kinumpirma ng Palasyo sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na wala pang natatanggap na pormal na imbitasyon ang Pangulo para sa kasal ni Soledad.

Hinahangad naman ni PNoy na maging masaya ang kanyang dating kasintahan sa magiging buhay may-asawa nito.

Hindi rin binanggit ng Pangulo kung ano ang magiging regalo nito sa dating nobya sa kasal nito.

Show comments