^

Bansa

CGMA nakagawa ng libro

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkaka-hospital arrest ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo, nakagawa pa rin ng isang libro ang dating pangulo na may kaugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa ipinadalang imbitasyon ng tanggapan ni Arroyo sa Kamara para sa mga kagawad ng media, hiniling ng mga ito na dumalo bukas para sa paglulunsad ng libro sa Manila hotel dakong alas-10 ng umaga.

Sinabi ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Arroyo na ginawa nito ang libro habang nagpapagaling sa sunod-sunod na operasyon sa kanyang gulugod noong nakaraang taon.

Subalit dahil sa pa­nanatili ng dating pangulo sa Veterans Memorial Hospital kayat hindi ito makakadalo sa paglu­lunsad at sa halip ay si Gonzalo Jurado, professor ni Arroyo sa University of the Philippines (UP) ang siyang magpiprisinta ng libro.

Si Arroyo ay kumuha ng Doctorate Degree in Economy sa UP School of Economics at kasaluku­yang naka-hospital arrest sa VMMC dahil sa kasong poll sabotage at nahaharap sa graft charges sa Sandiganbayan.

DOCTORATE DEGREE

ELENA BAUTISTA-HORN

GLORIA ARROYO

GONZALO JURADO

KAMARA

PAMPANGA REP

PILIPINAS

SCHOOL OF ECONOMICS

SI ARROYO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VETERANS MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with