^

Bansa

Hinala ng prosecution team, SALN ni Corona baka 'dinoktor'

- Nina Gemma Garcia at Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Nangangamba ang prosecution team sa Kamara na posibleng na- “doktor” na ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona dahil sa matagal na panahong hindi pagsasa- pubiko nito.

Sinabi ng mga tagapagsalita ng prosekusyon na sina Quezon Rep. Erin Tanada, Marikina Rep. Miro Quimbo at Aurora Rep. Sonny Angara, hindi mala­yong na-doktor na ang SALN ni Corona dahil sa halos 10 taong hindi nailabas ang listahan ng mga ari-arian nito pero sana mali ang kanilang hinala.

Bukod pa dito, ang da­lawang dokumento na hawak ng prosekusyon kabilang na dito ang condominium na nabili nito sa Bellagio sa Taguig  na nagkakahalaga ng P14.5 milyon ay senyales, na “alarm bells” na kaya’t napakahalaga umano na isapubliko na ni Corona ang kanyang SALN.

Paliwanag pa ng mga mambabatas, na mula noong 2002 na unang taon ng kanyang panunungkulan bilang punong mahistrado ng Korte Suprema hanggang sa kasalukuyan ay mayroon itong net worth na P13.9 milyon.

Ipinagtataka ng mga prosekusyon kung bakit ito nakabili ng isang pent house na nagkakahalaga ng P14.5 milyon gayung ang sahod nito ay P100,011 kada buwan lamang.

Dahil dito, kaya’t mu­ling nanawagan ang mga kongresista sa iba pang Mahistrado ng Korte Suprema na ilabas na rin ang kanilang mga SALN dahil malinaw naman umano ang nakasaad sa Republic Act 6713 na ang lahat ng kawani at opisyal ng pamahalaan ay dapat na mag-sumite ng SALN.

AURORA REP

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

ERIN TANADA

KORTE SUPREMA

LIABILITIES AND NET

MARIKINA REP

MIRO QUIMBO

QUEZON REP

REPUBLIC ACT

SONNY ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with