^

Bansa

Hinay-hinay kay Gatdula

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaghihinay-hinay ng mga kongresista si Pangulong Noynoy Aquino sa pagdedesisyon sa kahahantungan ng kapalaran ni National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula.

Payo ng mga miyembro ng House Committee on Public Order na sina Reps. Rodolfo Antonino (NUP, Nueva Ecija) at Leopoldo Bataoil (Lakas-Kampi-CMD, Pangasinan) kay Pangulong Aquino na huwag magpapadala sa smear campaign na inilulunsad laban kay Gatdula at sa halip ay tingnan ang repormang ginawa nito sa halos dalawang taon sa loob ng NBI.

Sinabi rin ni Rep. Ben Evardone (LP, Eastern Sa­mar) na napatunayan ni Gatdula bilang excellent partner ng administrasyong Aquino nang linisin ang gobyerno at labanan ang katiwalian.

Bilang patunay umano dito ay ipinakita ni Gatdula ang tamang paraan at mapagkakatiwalaan na public servant ng mag-leave of absence ito upang bigyang daan ang impartial investigation ng DOJ para sa umano’y extortion complaint ng foster parents ng pamilya ng Japanese fugitive na si Noriyo Ohara laban sa mga tauhan ng NBI.

Kumbinsido rin ang mga mambabatas na kaagad nagsagawa ng paninira ang mga galit kay Gatdula upang mapatalsik na may pagnanasa sa kanyang puwesto.

Paliwanag naman ni Antonino, senior vice chairman of the public security committee, na malaking kawalan si Gatdula sa NBI kapag pinakawalan ito ni PNoy.   

BEN EVARDONE

EASTERN SA

GATDULA

LEOPOLDO BATAOIL

MAGTANGGOL GATDULA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NORIYO OHARA

NUEVA ECIJA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with