MANILA, Philippines - Aprubado ni Pangulong Aquino ang bagong campaign slogan ng Department of Tourism (DoT) na “It’s More Fun in the Philippines.”
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, naging maganda rin ang feedback nito sa social media dahil trending na ngayon sa Twitter at Facebook. Lima umano ang pinagpiliang slogan na dumaan sa mahabang proseso.
Ayon naman kay Tourism Sec. Ramon Jimenez Jr. bukod sa pagiging simple, mas madali rin umanong maintindihan at “competitive” ang bago nilang kampanya.
Ang nasabing brand campaign ay mula sa ideya ng advertising agency na BBDO Guerrero na siyang napili ni Jimenez na inaprubahan naman ni PNoy.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang branding ng kagawaran matapos ulanin ng batikos ang “Pilipinas kay Ganda” slogan na kinopya raw sa Poland na ipapalit sana sa “WOW Philippines.”