Pagsalubong sa 2012 deadliest New Year - DOH
MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga paalala at paglalantad ng senaryo sa maaring sapiting disgrasya mula sa mga paputok, bigo pa rin ang kampanya ng Departmet of Health (DOH) na mapababa ang bilang ng mga nabibiktima matapos lumabas sa pinakahuling datos ng ahensiya na mas mataas ang nabiktima ngayong pagsalubong sa 2012.
Sa pagtatapos kahapon (Enero 5) ng pagbabantay ng Aksyon: Paputok Injury Reduction surveillance, umakyat na ang bilang sa 1,004 kabilang ang 4 na kumpirmadong nasawi.
Matas ito ng 4 porsyento kumpara sa nakalipas na taon at mas mataas din ng 1.8 % sa average records sa nakalipas na 2006 hanggang 2011.
Nasa 976 ang fireworks-related injuries, 29 ligaw na bala at 5 firecrackers ingestion.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang sinundan ng Calabarzon at Ilocos region.
Hindi na magsasagawa pa ng surveiilance sa acute firecrackers at fireworks injuries na tinapos kahapon subalit patuloy pa ang surveillance hanggang sa Enero 21 ng mga tetanus victims na dulot ng paputok.
Nangunguna pa rin ang piccolo, kwitis, five star, luces sa sanhi ng injuries.
- Latest
- Trending