^

Bansa

Agawan sa minorya sa Kamara

-

MANILA, Philippines - Nagsimula nang ma­g­a­­­gawan sa puwesto ang mga lider ng Minorya sa Kamara matapos na kumpirmahin ni House Minority leader at Albay Rep. Edcel Lagman na siya pa rin ang mananatiling lider ng kanilang grupo kahit na mayroong silang kasunduan na term sharing ni Senior Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez.

Batay umano sa na­pagpasyahan ng mayor­ya ng House Minority Bloc, gusto nilang magpatuloy si Lagman sa kanyang pagiging lider dahil sa ‘credible at res­ponsible’ na pamumuno nito sa hanay ng oposisyon.

Bukod dito kinakaila­ngan din umano ng Minor­ya ang ‘experienced legal mind’ ni Lagman para kontrahin ang mga hakbang ng Aquino Administration na labag sa batas.

Paliwanag ni Lagman, ang ‘term sharing’ na napagkasunduan niya at ni Suarez ay limitado lamang sa isang pagtitipon noon ng Lakas Kampi-CMD noong July 2010 na siyang nai-dokumento ng media.

Nilinaw din ni Lagman na walang nabuong desisyon sa caucus ng Minor­ya noong December 2011 kaugnay sa pagbabago ng leadership, matapos hindi magkaroon ng botohan dahil wala ang mga miyembro ng oposisyon na hindi raw naabisuhan.

Dahil dito, walang pagbabago sa leadership ng House Minority sa muling pagbubukas ng sesyon sa January 16.

Ayon naman kay Sua­rez, hindi siya papayag sa nais ni Lagman at igigiit pa rin niya kung ano ang napagkasunduan na term sharing ng kanilang grupo. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

ALBAY REP

AQUINO ADMINISTRATION

BUTCH QUEJADA

DANILO SUAREZ

EDCEL LAGMAN

GEMMA GARCIA

HOUSE MINORITY

HOUSE MINORITY BLOC

LAGMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with