MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisimula ang pormal na impeachment trial sa Senado, iginiit kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na dapat kastiguhin ng impeachment court ang mga prosecutors at defense team dahil sa pagtalakay sa publiko ng mga merito ng kaso laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Nauna ng sinabi ni Lacson na hindi dapat labagin ang Rules of Procedure sa Impeachment Trial na magsisimula sa Enero 16.
“As a senator judge, I cannot sit idly by and watch blatant violations of our Rules of Procedure on Impeachment Trials that unambiguously prohibits senator judges as well as prosecutors, the person impeached, their counsels, and witnesses from making any comments and disclosures in public pertaining to the merits of a pending impeachment trial,” sabi ni Lacson.
Naniniwala si Lacson na posibleng hindi makontrol ng impeachment court ang sitwasyon kung pababawasan ang public presentation ng mga ebidensiya gayong hindi pa naman nagsisimula ang paglilitis.
Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos iprisinta ni chief prosecutor, Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. sa media ang ilang dokumento na gagamitin laban kay Corona.