OVP website na-hacked!
Kinumpirma kahapon ng tanggapan ni Vice President at Presidential adviser on Overseas Filipino Workers’ (OFWs) Concerns Jejomar Binay na pinasok na ng mga hacker ang opisyal na website ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon sa statement ng OVP, umabot sa mahigit 15 oras na na-down o hindi nabuksan ang OVP website matapos na ma-hacked ng PrivateX group kamakalawa, Enero 1, 2012 dakong alas-4 ng hapon.
Ang website ng OVP ay pinangangasiwaan ng Advanced Science and Techology Institute (ASTI), isang ahensya na nasa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST).
Bunsod nito, agad na iniutos ang pag-iimbestiga sa nasabing hacking incident at nagsasagawa na ng mga hakbang ang ASTI na mabigyan ng karagdagang hakbang at proteksyon ang nasabing website upang hindi na mapasok pa ng mga hacker.
Ang OVP website ay nagbibigay ng mga impormasyon sa mga programa, proyekto at serbisyo ng Office of the Vice President. Mula sa nasabing website ay nabibigyan din ng oportunidad ang publiko lalo na ang mga nagigipit na OFWs na maiparating sa Bise Presidente ang kanilang mga hinaing o paghingi ng tulong.
- Latest
- Trending