^

Bansa

GMA, Abalos sa kulungan nag-New Year

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Sa kani-kanilang pi­itan sinalubong nina da­ting­ Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at da­ting Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. ang Bagong Taon makaraang hindi maresolba ang mga mosyon nilang isinampa sa korte nitong nakaraang Disyembre 2011.

Ito’y dahil sa gina­wang maagang pagbabakas­yon ni Pasay City Regional Trial­ Court branch 112 Judge Jesus Mupas na siyang may hawak sa kaso ng dalawa na electoral sa­botage. Itinakda ni Mupas ang pagdinig sa lahat ng nakasampang mosyon sa Enero 9.

Tanging si dating First Gentleman Mike Arroyo at anak na si Mikey ang kasama ni GMA sa loob ng presidential suite ng Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC).

Unang pinlano ni Arroyo na dumalo sa New Year’s eve mass sa chapel ng pagamutan ngunit biglang nagbago ang isip nito at nagpasabing ayaw makihalubilo sa karamihan ng mga tao. Sa halip, isang pribadong misa na lamang ang isinagawa sa kuwarto nito.

Mas naging mahirap naman ang kundisyon ng pamilya Abalos na muling nagsiksikan sa maliit nitong kuwarto sa Southern Police District headquarters para pagsaluhan ang kanilang “media noche”. 

Sinabi ni Mandalu­yong Mayor Benhur Abalos na nabago ng kaso ang kanilang tradisyon na sama-samang pagsalubong sa Bagong Taon sa kanilang “ancestral house” sa Mandaluyong.  Gayunman, nagpapasa­lamat pa rin umano sila sa SPD at pinayagan na makasama nila ang kanilang ama sa natu­rang okasyon.

BAGONG TAON

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JUDGE JESUS MUPAS

MAYOR BENHUR ABALOS

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NEW YEAR

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASAY CITY REGIONAL TRIAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with