^

Bansa

Balik-eskwela na bukas

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines -  Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan hinggil sa pagbabalik ng klase bukas, Martes, Enero 3.

Gayunman, sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na ipinasya nilang ipagpaliban ang pagbabalik sa paaralan ng mga mag-aaral na naapektuhan ng bagyong Sendong tulad ng mga lungsod ng Iligan at Cagayan de Oro noong nakaraang buwan.

Ani Luistro, may 39 paaralan ang nasira sa mga lugar sa Mindanao at apat sa mga ito ay totally washed out.

Ang ilang paaralan naman ay ginamit na evacuation centers ng mga residente na nawalan ng tahanan.

Nagsimula ang Christmas vacation sa mga pampublikong paaralan noong Dis. 21, 2011.

Samantala nasa diskresyon na ng mga pribadong paaralan na itakda kung kailan nila pababalikin sa klase ang kanilang mga estudyante.

ANI LUISTRO

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

ENERO

GAYUNMAN

ILIGAN

MINDANAO

NAGSIMULA

ORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with