Selebrasyon ng New Year payapa
MANILA, Philippines - Pangkalahatang mapayapa at mas ligtas ang naging selebrasyon ng pagsalubong ng Bagong Taon sa bansa bagama’t nagtala ng mahigit sa 400 biktima ng paputok sa nakalipas na magdamag.
Ayon kay Interior Sec. Jesse Robredo, bagama’t maituturing na mapayapa ang okasyon, kailangan pa rin ang patuloy na pagbabago patungkol sa pagpapatupad ng regulasyon sa paputok at pagsasaayos sa mga ordinansang pinaiiral ng mga local government units (LGUs).
Sa ngayon anya ay pinipilit nilang itulak ang pagpasa ng batas tungkol dito upang matiyak ang mas mapayapang selebrasyon sa susunod na taong 2013.
Kuntento naman anya siya sa naging resulta ng mga paghahanda at ang mahalaga ay naging payapa ang pagsalubong ng New Year.
Samantala, kaugnay naman sa mga nagpaputok ng baril, sinabi ng kalihim na isasagawa nila sa lalong madaling panahon ang random paraffin test sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Layon ng pagsusuri na malaman kung sinong pulis ang nagpaputok sa pagsalubong ng bagong taon hanggang kaninang madaling araw.
- Latest
- Trending