^

Bansa

13 naputulan ng daliri, 27 naputukan sa mata

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tila hindi nadadala ang publiko sa panganib ng mga paputok matapos na 13 katao ang naitala ng Department of Health (DOH) na naputulan ng daliri o kamay at 27 ang nagtamo ng pinsala sa mata dahil sa paggamit ng paputok, isang araw bago ang pagsalubong sa Taong 2012.

Sa Surveillance Update No. 9 ng DOH, ang natu­rang bilang ay kasama s­a kabuuang 197 kaso ng fireworks-related injuries (FRI) at biktima ng ligaw na bala na naitala simula Dis. 21 hanggang Dis. 30.

Mas mababa pa rin naman ang nasabing bilang kumpara sa 229 kaso na naitala sa pagsalubong noong 2011 ngunit mas mataas ng siyam na kaso kumpara sa nakalipas na five-year average (2006-2010).

Kaugnay nito, nababahala ang DOH sa mabilis na pagtaas ng kaso ng mga nasusugatan sa paputok na inaasahang lalo pang darami hanggang ngayong New Year’s Eve.

Pinakamarami pa ring kaso ang naitala sa Natio­nal Capital Region (NCR) na umabot sa 117.

Karamihan sa nasu­gatan dahil sa paputok ay 1-10 years old na umabot na sa 99 kaso at 118 kaso ay aktibo o direktang gumamit ng paputok kaya nasugatan.

May 147 sa mga biktima ay nasugatan lamang, habang 13 kaso na pawang mga lalaki, ang naputulan ng mga daliri o kamay.

Pinakahuling naitalang insidente ay isang 10-an­yos na batang lalaki sa Nueva Ecija na sumabog ang kamay matapos pulutin ang isang whistle bomb na hindi agad sumabog. Sa lakas ng pagsabog, tanging bahagi lamang umano ng hinliliit ang natira sa kamay ng biktima.

Umabot naman sa 27 ang nagtamo ng sugat o pinsala sa kanilang mga mata.

Pinakamarami pa ring nabiktima ang iligal na paputok na piccolo na umabot sa 135 at 17 ang nabiktima matapos magpaputok ng lasing.

Wala pa ring naitalang nasawi maliban na lamang sa batang namatay sa Norzagaray, Bulacan nang sumabog ang mga papu­tok na binili ng kanyang ama upang ipagbili sana sa Guimba, Nueva Ecija.

BULACAN

CAPITAL REGION

DEPARTMENT OF HEALTH

GUIMBA

KASO

NEW YEAR

NUEVA ECIJA

PINAKAMARAMI

SA SURVEILLANCE UPDATE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with