^

Bansa

Private prosecutor labag sa impeachment rule

Nina - Doris Franche/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Labag umano sa impeachment rule ang pagkuha ng House pro­secution panel ng private lawyer para sa gagawing paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaugnay ng impeachment case na kinahaharap nito.

Ayon kay defense lead counsel at dating associate justice Serafin Cuevas, iginiit nitong labag umano sa impeachment rules ang pagkuha ng prosecution panel kay Atty. Mario Bautista, bilang lead private prosecutor.

Sinabi ni Cuevas, malinaw umano ang nakasaad sa Rule 6, Sec. 15 ng impeachment rule na tanging ang House of Representatives lamang ang tatayong prosecutor sa impeachment trial.

“Malinaw po ang Rule 6, Section 15 ng Rules na ‘The House of Representatives shall act as the sole prosecutor at the trial in the Senate through a committee of 11 members thereof to be elected by a majority vote.’ Ang sinasabi dito sole. Hindi naman sinasabing puwedeng kumuha ng private prosecutor,” giit ng dating mahistrado ng SC.

Kinuwestyon din ni Cuevas ang pondong gagamitin ng Kamara na pambayad sa serbisyo ni Bautista.

Maalala na si Bautista ang nagprisinta noon sa star witness na si Clarita Ocampo sa impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa paliwanag ni prosecution panel spokesman at Marikina Rep. Romero Quimbo, inihayag ng mambabatas na trabaho umano ni Bautista ang pagsagawa ng “overall legal strategy” sa gaga­wing paglilitis kay Corona.?Pinabulaanan naman ni Cuevas ang alegasyon ng impeachment prosecution panel na bahagi ng “delaying tactics” ng punong mahistrado ang hirit nitong motion for preliminary hearing sa Senado.

Ayon kay Cuevas, nais lamang nilang matiyak na nasusunod ang due process ng batas sa kaso ng kanilang kliyente.

Isa umano sa karapatan ng isang akusado ay matiyak ang due process sa kaniyang kaso.

AYON

BAUTISTA

CLARITA OCAMPO

CUEVAS

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IMPEACHMENT

MARIKINA REP

MARIO BAUTISTA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROMERO QUIMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with