'Dumating Nawa Ang Kaharian ng Diyos' Convention, Magtatapos na

MANILA, Philippines - Simula sa Dec. 30 hanggang Enero 1, 2012, ang huli sa labing isang (11) magkakasunod na tiga-tatlong araw na Kombensiyon ng mga ‘Saksi’ na “Duma­ting Nawa Ang Kaharian Ng Diyos” na gaganapin pa rin sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses brgy. Kaligayahan Novaliches, Quezon City.

Ang naturang Kom­bensyon na nagsimula pa noong Okt. 21 ay naghahayag na ang Kaharian ng Diyos ang siyang tunay na gobyerno na magpapatupad sa layunin ng Diyos.

Sa Dis. 30 (Biyernes), tatalakayin kung paano darating ang Kaharian ng Diyos sa temang “Ano ang Mawawala Kapag Duma­ting ang Kaharian ng Diyos?”

Sa Dis. 31 (Sabado), bibigyang pansin ang kahalagahan ng bautismo ng isang Kristiyano.

Sa Enero 1 (Linggo), mapapakinggan naman ang mapuwersang pang­wakas na pahayag na “Dudurugin ng Kaharian ng Diyos Ang Lahat ng Iba Pang Kaharian-Kailan?”

Inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova ang lahat na dumalo sa tatlong araw na kombensiyon na magsisimula sa ganap na 8:20 ng umaga, libre at walang bayad.

Show comments