^

Bansa

3 milyon katao dumagsa sa Rizal Park noong Pasko

-

MANILA, Philippines - Katulad ng inaasahan, dagsa ang tao sa Rizal Park nitong nakalipas na mga araw partikular noong December 24 at 25.

Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Juliet H. Villegas, batay umano sa report na isinumite sa kanya ni Engr. Ed Villalon, hepe ng NPDC Planning Division, tinatayang may halos 3 milyong katao ang bumisita sa parke upang magsaya at doon nagdiwang ng kapaskuhan kasama ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ani Villegas, higit aniyang mas mataas ang na­banggit na bilang kung ikukumpara noong nakalipas na Dec. 24-25, 2010. Isang malaking dahilan umano ay bunsod na rin sa patuloy na kaalaman ng publiko hinggil sa mga pagbabagong nagaganap sa Rizal Park, ganun din ang samu’t saring events at activities rito na inoorganisa ng pamunuan para na rin sa mga park goers sa pakikipagtulungan naman ng iba’t ibang sponsors mula sa private at government offices.

Partikular na tinukoy ang ilan sa mga events at activities sa park ngayong Disyembre na talagang inabangan ng publiko gaya ng 1st Rizal Park, Mascot on Parade; Simbang Gabi Sa Rizal Park; Himig ng Pasko: A Grand Christmas Carol Presentation; 2nd Annual Rizal Park Photography Contest in partnership with Sony Philippines Inc., para naman sa mga amateur, professional at photo journalists; Libreng Sine o ang “Cinema at the Open Air Auditorium kung saan tampok ang iba’t ibang local at international movies gaya ng pelikulang “Rizal”.

Bukod pa rito ang Concert at the Park tuwing weekends at ang araw-araw na pamosong atraksyon ng parke – ang Rizal Park Musical Dancing Fountain.

vuukle comment

A GRAND CHRISTMAS CAROL PRESENTATION

ANI VILLEGAS

ANNUAL RIZAL PARK PHOTOGRAPHY CONTEST

ED VILLALON

EXECUTIVE DIRECTOR JULIET H

LIBRENG SINE

NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE

OPEN AIR AUDITORIUM

PARK

RIZAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with