^

Bansa

'Give blood on Christmas' - Gordon

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Umapela si Philippine Red Cross chair Richard Gordon sa publiko na mag-donate ng dugo dahil ito ang pinakamahal at pinakamahalagang regalong maiha­handog sa kapwa.

Karaniwan na aniya, tuwing holiday season halos wala o kaunti lamang ang nagdo-donate ng dugo, gayung mas kailangan ito sakaling magkaroon ng emergency ang mga panahong ito.

“The most precious gift you can give to your fellowmen is a part of yourself. Give blood on Christmas,” ayon kay Gordon.

Hinikayat din ni PNRC Secretary General Gwendolyn Pang ang mga pinuno ng 77 PNRC blood centers at facilities sa buong bansa na manatiling aktibo sa pag-recruit ng blood donors.

Mas kailangan umanong maging available ang lahat ng type ng dugo upang may maidugtong-buhay sa mga mangangailangan nito lalo na sa inaasahang emergency dahil sa mga nabibiktima ng paputok, stray bullets at iba pang emergencies sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Kahit sino naman aniyang indibidwal ay maaaring mag-donate ng dugo, maging lalaki man o babae na nasa pagitan ng 18 hanggang 65 taong gulang.

Kinakailangan lamang na bumisita sa PNRC National Blood Center sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila at iba pang regional blood centers at pasilidad sa kanilang lugar.  

vuukle comment

BAGONG TAON

GORDON

HINIKAYAT

KAHIT

KARANIWAN

KINAKAILANGAN

NATIONAL BLOOD CENTER

PHILIPPINE RED CROSS

PORT AREA

RICHARD GORDON

SECRETARY GENERAL GWENDOLYN PANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with